■ ナA-そうです
■ イA-そうです
Meaning: “It looks ~” / “Mukhang ~”
Used to express a guess based on appearance or impression, not confirmed fact.
ナ-adjectiveな + そうです
イ-adjectiveい + そうです
Ginagamit kapag nakikita mo ang isang bagay at nagbabased ka sa impression.
Hindi ibig sabihin na sure ka — hula lang based sa itsura.
Madalas gamitin sa pagkain, tao, weather, at moods.
Para sa negative form, gumagawa ng ibang grammar (later lesson).
■ ナA-そうな N
■ イA-そうな N
Meaning: “N that looks ~” / “Mukhang ~ na N
ナ-adjectiveな + そうな + Noun
イ-adjectiveい + そうな + Noun
Ginagamit ang “そうな” kapag nagde-describe ka ng noun.
Ito ang attributive form ng ~そうです kapag ginagamit before a noun.
Batay sa nakikita mo o sa impression, hindi confirmed fact.
Examples:
・おいしそうなケーキ (Mukhang masarap na cake.)
・大変[たいへん]そうな仕事[しごと] (Mukhang mahirap na trabaho.)
Kadalasan interchangeable sa そうです (predicate form).
Hal.:
・ その 料理[りょうり]、辛[から]そうですね。
■ イA-くて、~
Meaning: “It is ~ and…” / “Because it is ~”
“Dahil ~” o “~ at …” kapag nagkokonek ng adjectives o nag-eexplain ng reason.
イ-adjectiveい + くて、~
Negative form: イ-adjectiveい + くなくて、~
Ginagamit para pagdugtungin ang dalawang adjectives o clauses.
Maaari ring magpahayag ng dahilan (reason).
Very common kapag nagde-describe ng pagkain, panahon, damdamin, kondisyon, atbp.
Parang V-て form, pero para sa イ-adjectives.
■ V-て みます
Meaning: “Subukan ang paggawa ng (isang aksyon)”
Ginagamit kapag sinusubukan mo ang isang bagay para makita ang resulta o kung ano ang pakiramdam nito.
Ginagamit upang ipakita ang pagtatangkang gawin ang isang bagay.
Madalas lumabas bilang:
V-てみてください → pakisubukan
V-てみたいです → gusto kong subukan
V-てみませんか? → gusto mo bang subukan?
Karaniwan sa mga imbitasyon, mungkahi, at mga unang karanasan.
■ Intransitive Verbs / Transitive Verbs
Meaning: “Mga Intransitive at Transitive na Pandiwa”
Intransitive verbs – pangyayari o estado na nangyayari mag-isa.
Transitive verbs – aksyon na sinasadyang ginagawa ng tao.
Transitive verbs – ginagamit kapag may ginagawa kang aksyon sa isang bagay, gamit ang particle を.
・ドアを 閉[し]めます → Isasara ang pinto
・ご飯[はん]を 食[た]べます → Kakain ng pagkain
Intransitive verbs – ginagamit kapag ang pangyayari ay nangyayari mag-isa, gamit ang particle が.
・ドアが 閉[し]まります → Nagsasara ang pinto
・雨[あめ]が 降[ふ]ります → Umuulan
May mga pares ng intransitive / transitive:
・入[はい]る → pumasok, nandiyan na (intransitive)
・入[い]れる → ilagay (transitive)
Para ipakita ang kasalukuyang estado, gamitin ang テ-form ng intransitive verb + います.
・チーズが 入[はい]っています → May kasamang keso
Para ipakita kung ano ang inilalagay ng tao, gamitin ang transitive verb.
・チーズを 入[い]れます → Naglalagay ako ng keso
■ イA-くないですか?
Meaning: “Hindi ba ito…?” / “Hindi mo ba nararamdaman…?”
Ginagamit para magtanong nang maayos o mag-express ng concern tungkol sa isang bagay.
Madalas gamitin para malaman ang opinyon ng iba tungkol sa lasa, temperatura, hirap, at iba pa.
Karaniwang halimbawa:
・うすくないですか? → Hindi ba masyadong plain?
・寒[さむ]くないですか? → Hindi ba masyadong malamig?
・難[むずか]しくないですか? → Hindi ba masyadong mahirap?
Mas malumanay at considerate kaysa direktang sabihing masyadong plain, malamig, o mahirap.