■ V-て みたいんですが…
Meaning: I’d like to try doing V (and I want to ask about it)…
Para ipahayag na gusto mong subukan ang isang bagay.
Usually may kasunod na tanong, paghingi ng advice, o paghingi ng tulong.
’Yung んですが ay nagpapalambot at nagpapakita na open ka sa sagot ng kausap.
■ 【Duration/Tagal】(に)~回[かい]
Meaning: Ilang beses sa loob ng isang [duration].
【Duration/Tagal】+ に + [Number/Bilang] 回[かい]
Halimbawa:
週[しゅう]に 2回[かい]
月[つき]に 3回[かい]
Ginagamit para sabihin ang frequency.
Ang に ay sumusunod sa duration (week, month, year).
Ang 回(かい) ay counter para sa “times.”
Pwede maglagay ng ぐらい para approximate (e.g., 週[しゅう]に2回[かい]ぐらい).
Sa casual talk, minsan inaalis ang に.
■ V-ましょうか?
Meaning: “Shall I do V?” / “Would you like me to do V?”
Vます+ ましょうか?
Ginagamit kapag nag-aalok ng tulong.
Madalas gamitin kapag mukhang kailangan ng listener ng assistance.
Katumbas ng “Shall I…?” o “Do you want me to…?”
Galing sa volitional form na V-ましょう + か para gawing tanong.
■ Asking again / Pagtatanong Muli
Meaning: Pag-uulit ng tanong kapag hindi naintindihan ang sinabi
①(Word/Salita)+ は どういう 意味[いみ]ですか?
→ “Ano ang ibig sabihin ng (word/salita)?”
②(Word/Salita)+ は 何[なん]ですか?
→ “Ano ang (word/salita)?”
③(Word/Salita)?
→ Pag-uulit lang ng salita nang pataas ang intonation (casual).
Ginagamit kapag hindi mo naintindihan ang isang salita o parirala.
① pinakamalinaw—tinanong ang meaning.
② mas simple at mas mabilis.
③ casual—inuulit lang ang salita para magtanong ulit.
■ N のとき、~ / ナA-な とき、~ / イA-い とき、~
Meaning: “When ~ (at the time of ~)” / “Kapag ~ / Noong ~”
Noun(Bagay) + の とき
→ Kapag/Noong Noun(Bagay)
Na-adjective + な とき
→ Kapag/Noong Na-adjective
I-adjective + い とき
→ Kapag/Noong I-adjective
Verbs (dictionary / た-form / ている-form) + とき — for later lessons
Ginagamit para ilarawan kung kailan nangyari o nangyayari ang isang action.
Puwedeng gamitin sa noun, na-adjective, i-adjective, at verbs (later).
Tumutukoy sa oras, sitwasyon, o pagkakataon kung kailan ginawa ang main action ng sentence.