■ Nで(Means/ Sa pamamagitan ng)
Meaning: “Sa pamamagitan ng N / Gamit ang N”
Ang particle na で ay hindi lang para sa lugar; ginagamit din ito para ipakita ang paraan o method ng paggawa ng isang aksyon.
Ginagamit upang sabihin kung paano ginawa ang isang bagay (hal. gamit ang anime, libro, app).
Upang magtanong tungkol sa paraan, gamitin ang: どうやって~? (How do/Did you do it?)
■ N1は N2が ナAです/イAです
Meaning:
“As for N1, N2 is (adjective)”
“Tungkol kay N1, si/ang N2 ay (adjective).”
“As for N, doing V is (adjective)”
“Tungkol kay N, ang paggawa ng V ay (adjective).”
Noun 1 + は + Noun 2 + が + Adjective
Noun + は + Verb (dictionary form) + の + が + Adjective
Ginagamit para i-highlight ang isang partikular na bahagi (N2 o V) ng topic (N1).
Nililinaw kung aling bahagi ang idinidescribe ng adjective.
Kapag verb ang ginagamit bilang N2, kailangan ng の upang i-nominalize ito (gawing parang noun).
■ N1 は ~。でも、N2 は ~。(Comparison/Paghhambing)
Meaning:
“N1 is ~, but N2 is ~ (in contrast).”
“N1 ay ~, pero si/ang N2 ay ~ (pagtatambal o paghahambing).”
Noun 1 + は + Sentence A。
(でも、)Noun 2 + は + Sentence B。
Ginagamit para magpahayag ng paghahambing o pagkakaiba ng dalawang bagay o dalawang aspeto ng iisang bagay.
Ang particle は ay nagha-highlight ng bawat item na kinokompara.
Ang でも ay ginagamit sa simula ng ikalawang pangungusap para idiin ang contrast.
Kapag bahagi ng iisang topic ang kino-compare (hal. reading vs. speaking), gamitin ang V-るのは o Nは para maging malinaw.
■ V-て もらえませんか?
Meaning: “Could you please do V for me?” “Pwede po bang gawin ninyo ang V para sa akin?”
Isang magalang at malumanay na paraan ng paghingi ng pabor.
Mas magalang at mas indirect kaysa V-てください.
Ginagamit kapag humihingi ng tulong sa hindi masyadong kilala, tulad ng strangers, kakilala, o co-workers.
Tunog very polite at respectful.
■ V-方[かた]
Meaning: “How to do V” / “Paano gawin ang V”
Ginagamit para ipaliwanag kung paano isinasagawa ang isang action.
Vます + 方[かた]
Tanggalin ang ます, tapos idagdag ang 方[かた].
Ginagamit para sabihin ang paraan o method ng paggawa ng isang bagay.
Madalas gamitin sa mga verbs tulad ng:
書[か]き方[かた] (paano magsulat) / 読[よ]み方[かた] (paano magbasa) / 使[つか]い方[かた] (paano gamitin)
行[い]き方[かた] (paano pumunta) / 食[た]べ方[かた] (paano kumain)
Nagno-nominalize ng verb para maging “method of doing something.”