■ S1 ので、S2
Meaning: “Dahil S1, S2.” / “Nangyayari ang S2 dahil sa S1.”
Verb (plain form) + ので
イ-adjective い + ので
ナ-adjective な + ので
Noun + な + ので
Ang ので ay ginagamit para magpahayag ng dahilan o sanhi sa isang magalang at mas malumanay na paraan.
Madalas itong gamitin kapag tumatanggi sa imbitasyon, nagbibigay ng personal na dahilan, o nagpapaliwanag nang magalang.
Maaari itong gamitin sa plain form o polite form, pero sa lesson na ito, plain form ang pokus.
■ S よね
Meaning: “S, ‘di ba?” / “S, tama ba?”
Ginagamit kapag gusto mong kumpirmahin ang isang bagay na sa tingin mo ay tama, o inaasahan mong alam din ng kausap.
よ → nagbibigay ng impormasyon o diin.
ね → humihingi ng kumpirmasyon o pagpayag.
Kapag pinagsama → よね ginagamit upang magbigay ng pahayag at sabay na humingi ng kumpirma mula sa kausap.
Ginagamit kapag medyo sigurado ka na, pero gusto mo pa ring i-verify.
Karaniwang ginagamit kapag kayo ng kausap ay may magkaparehong konteksto o alam.
■ Nで ~
Meaning: “’Yung N na lang.” / “N is okay.” / Pagpapakita ng pagpili sa isang option.
Ginagamit kapag pumipili ka mula sa mga opsyon, lalo na sa mga restaurant, tindahan, o anumang service situations.
Ipinapakita nito na ’yun ang pipiliin mo o okay na sa’yo ’yun.
■ ナA-な のは、Nです
■ イA-い のは、Nです
■ V-る のは、Nです
Meaning: “Ang (A/V) ay N.” / “Ang N ang siyang (A/V).”
Ginagamit upang tukuyin o i-highlight ang isang bagay (N) batay sa kondisyon o aksyon na nakasaad bago ang のは.
ナ-adjective な + のは + Noun + です
イ-adjective い + のは + Noun + です
Verb (dictionary form) + のは + Noun + です
Ang parte bago ng のは ang naglalarawan ng kondisyon o katangian.
Ang parte pagkatapos ng のは ang nagsasabi kung ano o sino iyon.
Ginagamit para magbigay-diin o mag-identify ng isang specific na bagay.