■ N なら、~
Meaning: “If it’s N, then…” / “Kung N, saka…” “Speaking of N…” / “Tungkol sa N…”
Ginagamit para sumagot o tumugon sa binanggit ng kausap sa pamamagitan ng pagpili sa keyword (N).
Ipinapakita nito na ang sagot mo ay tungkol lang sa partikular na topic o sitwasyon.
Madalas gamitin kapag nagbibigay ng suhestiyon, payo, o impormasyon batay sa tanong o pahayag ng kausap.
■ V-て、~ / V-ないで、~
Meaning: “Do ~ and then…” / “Gawin ang ~ at saka…” “Do ~ without doing…” / “Gawin ang ~ nang hindi ginagawa ang (unang aksyon).”
Verb (テ-form) + ~
Verb (ナイ-form) + で + ~
Ginagamit upang ilarawan kung paano o saang kondisyon ginagawa ang susunod na aksyon.
V-て、~: Ang susunod na aksyon ay ginagawa habang o pagkatapos gawin ang unang aksyon.
V-ないで、~: Ginagawa ang isang aksyon nang hindi ginagawa ang unang aksyon.
Karaniwang lumalabas sa mga utus/instruction, recipe, o paliwanag ng paraan ng paggawa ng isang bagay.
■ V-ちゃ だめです
Meaning: “You must not V.” / “Bawal gumawa ng V.” / “Huwag V.”
Casual na paraan ng pagbabawal o pagbibigay-babala.
Ito ang pinaikling anyo ng V-ては だめです.
Madalas gamitin sa pang-araw-araw na usapan.
■ V-てから、~
Meaning: “Pagkatapos gawin ang V, gagawin ang susunod.”
Ginagamit para ipakita ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kilos.
Ang aksyon bago ang から ang mauunang gawin, at pagkatapos ay susunod ang susunod na aksyon.
Karaniwang ginagamit kapag nagpapaliwanag ng proseso o order ng paggawa.
■ S1が、S2
Meaning: “Pero…” / “Bagama’t S1, S2.” “S1, ngunit S2.”
Ginagamit ang が para magpahayag ng pagsalungat o contrast sa pagitan ng dalawang pahayag.
Mas pormal ang tunog ng ~が kumpara sa ~けど, kaya madalas itong gamitin sa sulat o sa magalang na pag-uusap.