■ V-(られ)ます
Meaning: “Kayang gawin ang V” / “Puwedeng magawa ang V
Group 1 (u-verbs): Palitan ang huling u → e + ます
例:飲[の]む → 飲[の]めます
Group 2 (ru-verbs): Tanggalin ang る at idagdag ang られます
例:食[た]べる → 食[た]べられます
Group 3 (Irregular verbs):
する → できます
来[く]る → 来[こ]られます
Ito ang potential form ng verb → ginagamit upang ipahayag ang kakayahan o posibilidad.
Pinapalitan nito ang mas mahaba na Vることができます.
Kapag potential form ang ginamit, ang を ay nagiging が.
例:すしを 食[た]べます → すしが 食[た)]べられます
Ginagamit para sa:
・kung ano ang kayang gawin ng isang tao
・kung ano ang posible sa isang lugar o sitwasyon
■ ~ところ
Meaning: “Lugar na… / Lugar kung saan…”
Ginagamit upang ilarawan ang uri ng lugar base sa aksyon o katangiang nakalagay bago ang ところ.
Ang ところ ay nangangahulugang “lugar.” Idinadagdag ang isang pandiwa o paglalarawan bago ito upang ipakita kung anong klase ng lugar ang tinutukoy.
Karaniwang ginagamit para ilarawan ang mga lugar tulad ng:
遊[あそ]べる ところ → lugar kung saan puwedeng maglaro
景色[けしき]が きれいな ところ → lugar na maganda ang tanawin
食[た]べ物[もの]が おいしい ところ → lugar na masarap ang pagkain
買[か]い物[もの]が できる ところ → lugar na puwedeng mamili
■ S(plain-form)って言[い]っていました
Meaning: “I heard that S.” / “May nagsabi sa akin na S.” “Someone said that S.” / “Sinabi niya na S.”
Ginagamit ang って bilang casual na anyo ng と para magmarka ng quoted speech o impormasyon.
聞[き]きました → kapag may narinig ka mula sa iba.
言[い]っていました → kapag ikinukwento mo ang sinabi mismo ng isang tao.
Sa casual na usapan, puwedeng magtapos ang pangungusap sa って lang.
■ 【Interrogative】V-たら いいですか?
Meaning: “Ano ang dapat kong gawin?” / “Paano kaya…?”
Ginagamit kapag humihingi ng payo o mungkahi kung ano ang nararapat na aksyon.
Ginagamit upang humingi ng payo o suggestion.
Ang たら ay conditional form na may kahulugang “kung sakali na gawin ko…”.
Karaniwang ginagamit ang mga tanong na:
何[なに]を … したら いいですか?“Ano ang dapat kong gawin?”
いつ … したら いいですか? “Kailan ko dapat gawin?”
どこで/どこに … したら いいですか? “Saan ko dapat gawin?”
どうやって … したら いいですか? “Paano ko dapat gawin?”
■ V-たほうがいいです ■ V-ないほうがいいです
Meaning: “You should…” / “Dapat mong…” “You’d better not…” / “Mas mabuting huwag mo…”
Verb (タ-form) + ほうが いいです → para magbigay ng payo na gawin ang isang bagay
Verb (ナイ-form) + ほうが いいです → para magbigay ng payo na huwag gawin ang isang bagay
Ginagamit kapag nagbibigay ng mas malakas o direktang payo.
Ipinapahiwatig na makabubuti sa tagapakinig na sundin ang payo.
Mas malakas ito kaysa sa V-ると いい (na nagbibigay ng mas mahinahon o casual na mungkahi).
Example / Halimbawa:
あのレストランは 人気[にんき]なので、予約[よやく]して 行[い]ったほうが いいですよ。
Sikat ang restaurant na iyon, kaya mas mabuting magpareserba muna bago pumunta.
お土産[みやげ]は、ここで 買[か]わないほうが いいですよ。
Mas mabuting huwag bumili ng souvenir dito.