■ ~たら、~
Meaning: “If/when S1 happens, then S2.” “Kapag/ kung nangyari ang S1, mangyayari ang S2.”
Verb (past plain-form) + ら + Sentence
イ-adjectiveい+ かったら + Sentence
ナ-adjectiveな + だったら + Sentence
Noun + だったら + Sentence
Ginagamit para sabihin kung ano ang mangyayari kapag natupad ang isang kondisyon.
May dalawang gamit:
① Hypothetical: Posibleng mangyari o hindi ang kondisyon.
② Fixed condition: Siguradong mangyayari ang kondisyon, at sinasabi ng speaker ang susunod na mangyayari.
6時[じ]に なったら、仕事[しごと]を 終[お]わりに してください。 Pakitapos po ang trabaho pagdating ng alas-6.
暇[ひま]だったら、ちょっと 手伝[てつだ]ってください。 Kung may oras ka, pakitulungan mo ako sandali.
■ V-(ら)れます < Passive-form①>
Meaning: May ginagawa sa isang bagay” (passive)
Group 1: Palitan ang huling “u” ng “a” + れます
(hal. 書[か]く → 書[か]かれます)
Group 2: Alisin ang る at idagdag ang られます
(hal. 食[た]べる → 食[た]べられます)
Group 3 (Irregular verbs):
する → されます
来[く]る → 来[こ]られます
Ginagamit kapag mas mahalaga ang pangyayari kaysa sa gumagawa.
Karaniwang ginagamit sa pormal na anunsyo, lalo na para sa concerts, festivals, at meetings.
Ang paksa ng pangungusap ay ang bagay na naaapektuhan (hal. concert), hindi ang gumawa.
Common expressions:
開[ひら]かれます (gaganapin)
開催[かいさい]されます (iho-host)
行[おこな]われます (magaganap)
■ V-(られ)ます < Potential-form②>
Meaning: “can do (something)” / “kayang gawin” / “be able to do
Group 1 (u-verbs): Palitan ang huling “u” ng “e” + ます
(hal. 飲[の]む → 飲[の]めます)
Group 2 (る-verbs): Alisin ang る at idagdag ang られます
(hal. 食[た]べる → 食[た]べられます)
Group 3 (Irregular verbs):
する → できます
来[く]る → 来[こ]られます
Ginagamit upang ipahayag ang kakayahan o skill ng isang tao.
Iba ito sa nasa Lesson 5 na nakatuon sa “posibilidad dahil sa sitwasyon.”
Sa potential-form, ang object ng pandiwa ay gumagamit ng particle が imbes na を.
(hal. ダンスをする → ダンスができます)