■ Nです
Meaning: “It is N.” / “I am N.” — “Ako si N.” o “Ito ay N.”
Ginagamit ang です (desu) para magbigay ng impormasyon o magsabi kung ano o sino ang isang bagay o tao, nang magalang.
■ N1は N2です
Meaning: “N1 is N2.” — “Si/Ang N1 ay N2.”
Ang は (wa) ay tumutukoy sa paksa o topic ng sentence.
→ Parang “ay” sa Tagalog.
■ 【Place】から 来[き]ました
Meaning: “Ako ay galing sa [Lugar].”
[Lugar] + から + 来[き]ました
から means “from.”
来[き]ました ay past form ng 来[き]ます (to come), ginagamit para ipakita ang pinagmulan.
Ginagamit ito para sabihin kung saan ka nanggaling.
Halimbawa:
ミャンマーから 来ました → Galing ako sa Myanmar.
■ Nは?
Meaning: “[Paano naman] N?” / “Ano naman ang tungkol sa N?”
は marks ang topic.
Pagsabi ng Nは? na may rising intonation ay nagiging tanong.
Maaaring gamitin pagkatapos ng pangalan ng tao upang itanong ang parehong bagay.
Maaari ring idagdag ang お o ご bago ang ilang nouns para gawing mas magalang (e.g., お名前[なまえ]は?, ご出身[しゅっしん]は?).
■ Sか?
Meaning: “S ba?” / “Ikaw ba ay S?” (Ginagamit upang bumuo ng tanong)
Idagdag ang か sa dulo ng pangungusap at gamitin ang rising intonation upang gawing tanong.
“あなた” ay bihirang gamitin sa pag-uusap; sa halip, gamitin ang pangalan ng kausap kasama ang さん (e.g., マイさん).
Kapag nakikipag-usap sa grupo, maaaring gamitin ang みなさん (lahat).
Maaaring laktawan ang subject kapag malinaw ang konteksto.
Huwag gamitin ang さん sa sarili mong pangalan dahil ito ay honorific.
■ Nも
Meaning: “din” / “rin” / “pati”
も ay ipinapapalit sa particle は o が para ipakita ang pagkakapareho o inclusion.
Ginagamit ito kapag gusto mong sabihin na ang sinabi ay para rin sa ibang tao o bagay.
Halimbawa:
ケマラさんも ベトナムから ですか? → Galing ka rin ba sa Vietnam, Kemara-san?
Maikling sagot tulad ng 私[わたし]もです → Ako rin, ay karaniwan sa pag-uusap.
■ NじゃないですMeaning
Meaning: “Hindi ito N” / “Hindi ako N”
Ito ang negative form ng Nです.
Ginagamit upang itanggi o itama ang impormasyon.
Halimbawa:
ベトナムじゃないです → Hindi ako galing sa Vietnam.
じゃないです ay ginagamit sa pagsasalita; sa pagsusulat, ではないです ang ginagamit.
Mas pormal na alternatibo:
NじゃありませんGinagamit kapag gusto mong itumanggi o itama ang impormasyon tungkol sa sarili o sa iba.