Basic Japanese Greetings
In Japanese, greetings change depending on the time of day and the level of formality. Sa madaling sabi, iba ang pagbati mo kung umaga, hapon, o gabi, at depende rin kung pormal o casual ang kausap mo.
1. おはようございます (Ohayou gozaimasu)
Ginagamit ito sa umaga, especially in formal situations tulad sa school, office, o kapag hindi mo close ang kausap.
Kapag gusto mong maging casual o friendly, pwede mong sabihin lang:
2. こんにちは (Konnichiwa)
Usually ginagamit mula late morning hanggang early evening.
Pwede ito sa formal at casual na setting, kaya safe gamitin kahit kanino.
3. こんばんは (Konbanwa)
Ginagamit sa gabi, kapag nakakasalubong ka ng tao after sunset.
- Japanese greetings reflect time and respect/formality — ibig sabihin, makikita sa pagbati kung gaano mo nirerespeto ang kausap mo.
- Use polite forms like Ohayou gozaimasu kapag hindi mo masyadong kilala ang tao, o kung nasa formal environment ka.
- Use casual forms like Ohayou kapag kausap mo ang close friends or family.
- Tandaan: ang mga pagbating ito ay ginagamit kapag bumabati o nakikipagkita sa tao, hindi kapag nagpapaalam.
Japanese Greetings When Parting
In Japanese, there are many ways to say goodbye, depende sa situation, level of formality, at sa relationship mo sa kausap. Hindi basta-basta lang ang “bye” sa Nihongo — may tamang expression para sa bawat sitwasyon.
1. じゃあ、また (Jaa, mata)
Isang casual farewell expression.
Ginagamit kapag nagpapaalam sa mga kaibigan, pamilya, o sa mga taong close sa’yo. Hindi ito appropriate sa formal situations o kapag kausap ang mga superior mo (boss, teacher, etc.).
2. しつれいします (Shitsurei shimasu)
Isang formal farewell.
Ginagamit sa workplace o kapag nakikipag-usap sa mga nakakataas o hindi mo kilala nang mabuti. Pwede rin gamitin kapag aalis ka sa isang room, matatapos ang meeting, o gusto mong magpaalam nang magalang (politely).
3. おさきに しつれいします (Osaki ni shitsurei shimasu)
Karaniwan itong ginagamit sa office setting, kapag uuwi ka nang mas maaga kaysa sa iba.
Ipinapakita nito ang paggalang (respect) sa mga kasamahan mong patuloy pang nagtatrabaho.
4. おつかれさまでした (Otsukaresama deshita)
Ito ang formal response kapag may nagsabi ng Osaki ni shitsurei shimasu.
Ginagamit ng mga colleagues bilang pagkilala sa effort ng isa’t isa pagkatapos ng trabaho.
5. おやすみなさい (Oyasuminasai)
Ginagamit sa gabi, lalo na bago matulog.
Kadalasang ginagamit sa pamilya at mga kaibigan.
- Ang mga Japanese parting greetings ay nag-iiba depende sa oras, formality, at relasyon mo sa kausap.
- Gumamit ng casual phrases kapag kausap ang kaibigan o pamilya, at formal phrases naman sa trabaho o pormal na sitwasyon.
- May mga situation-specific expressions, tulad ng mga ginagamit sa workplace o bago matulog.
Japanese Expressions for Saying “Thank You”
Sa Japanese, maraming paraan para magsabi ng “thank you” o salamat, depende kung gaano ka ka-polite at kung anong situation ka nandun.
1. ありがとう (Arigatou)
Ito ang casual way ng pag-thank you.
Ginagamit ito sa friends, family, o sa mga taong ka-level mo o mas bata.
Nagpapakita ng appreciation o pasasalamat sa ginawa ng iba.
2. ありがとうございます (Arigatou gozaimasu)
Ito naman yung polite version ng Arigatou.
Ginagamit sa formal situations, tulad ng sa trabaho, school, o kapag kausap ang hindi mo masyadong kilala.
Mas magalang at nagpapakita ng malalim na pasasalamat at respeto.
3. すみません (Sumimasen)
Ginagamit din ito para magpasalamat, pero may halong paghingi ng sorry.
Ginagamit kapag may tumulong sa’yo at nahihiya o medyo sorry ka sa nagawang abala.
4. どうも (Doumo)
Ito yung super light and casual na way ng pagpasalamat. Pwede mo siyang gamitin mag-isa, o i-combine sa iba:
➤ どうもありがとうございます (Doumo arigatou gozaimasu)
Pag nilagyan mo ng “doumo”, mas nagiging warm at heartfelt yung “thank you.”
- Maraming paraan sa Japanese para magsabi ng thank you, depende sa sitwasyon at formality.
- Kung friends o family, gamitin ang casual gaya ng Arigatou o Doumo.
- Kung formal o respectful situation, gamitin ang Arigatou gozaimasu.
- Tandaan, ang Sumimasen ay unique — nagpapakita ng pasasalamat na may kasamang paghingi ng paumanhin.
Japanese Expressions of Apology
Sa Japanese, may iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng “sorry”, depende sa sitwasyon at sa level ng formality. Iba ang gamit kung kaibigan mo lang, at iba rin kung trabaho o formal setting.
1. すみません (Sumimasen)
Ito ang pinaka-common at polite way ng paghingi ng tawad.
Ginagamit kapag naabala mo ang isang tao o may mali kang nagawa.
Minsan ginagamit din ito para magpasalamat, pero sa context na ito, ibig sabihin ay “Pasensya na po sa abala.”
Karaniwan itong maririnig sa formal situations o sa workplace.
2. ごめん (Gomen)
Ito naman ay casual way ng paghingi ng tawad.
Ginagamit sa kaibigan, kapamilya, o sa mga taong close sa’yo.
Parang simple lang — “Sorry!” Pero hindi ito angkop sa formal o professional settings.
3. ごめんなさい (Gomen nasai)
Mas magalang version ito ng Gomen.
Ginagamit kapag genuine o taos-puso ang paghingi mo ng tawad, pero kadalasan pa rin itong para sa personal o casual situations.
Kung business o formal apology, mas magandang gamitin pa rin ang Sumimasen.
- Ang すみません (Sumimasen) ang pinakamadaling gamitin at pinaka-polite na paraan ng paghingi ng sorry.
- Ang ごめん (Gomen) at ごめんなさい (Gomen nasai) ay casual, kaya gamitin lang sa friends o family.
- Sa workplace o formal na sitwasyon, laging gamitin ang Sumimasen para ipakita ang respeto at courtesy.